Ang Vray for Sketchup ay isang plugin lang.
At madali lang matutunan ang plugin na ito.
Panoorin ang video.
Hindi nga pala ako basta biglang natutong mag-vray. Hindi kasi kaya ng computer ko. Kinailangan ko munang mag-upgrade ng system. Magaan lang sana ang vray pero sobrang baba ng mga specs ko.
Kasi naman akala ko autocad at sketchup lang pwede na. Naku po! Maiiwan ka sa pansitan pag di ka nag upgrade ng iyong mga skills.
Gandang ganda ako sa mga malulupit na rendering. Yun bang render ng mga visualizers!
Dalawang taon pa ang lumipas nang mag-decide ako na aralin na itong vray.
Mga Sir at Lodis, patuloy lang kayong manood ng mga videos na ina-upload ko sa Vray Sketchup Series. At kung may gusto pa akong sabihin. Dito ko sya sasabihin sa Blog na to. Mahilig din tayong mag-sulat. Parang therapy kasi ito. Nakakalma.
Ang Youtube account ay naha-hack. Walang duda. Dami na tayong nakita na na-hack YT Channel nila matapos magkaroon ng libo-libong subscribers. Ganun lang. Matapos palaguin ang channel bigla lang mawawala.
Pag may sariling website hindi yata pwede mangyari yun. Ewan ko lang. Sana safe mga videos ko dito.
Maraming salamat sa mga nag-subscribe dahil sa video na ito.
Kung may gusto kayong parating... comment lang ...itutuloy